Itaga mo na sa bato ang pagsalangsang nang aking mga buto. Di ako matitinag at matatakot sa paghampas nang pintuan sa iyong pag-alis. Iwan mo na ako. Iwan mo na ako sa sulok nang aking pagiisa. Basagin na ang salamin na nagiiwan nang mga alaala ng mga ngiting nagbabalakat kayo. Di mawawala ang bigat nang luha sa mga matang na dati sa iyo ang tagpuan.
Umalis ka na sa ingay nang aking katahimikan.
Alon
Sa kanyang bisig sariwa ang alaala. Alalang nagkukubli sa liwanag nang aking isipan. Sa tahimik na batis nang aking pagiisa, wangis nang mukha moy umaalon'g malaya. Sa yakap nang tubig sana'y di na makawala .